Negosyong Laman loob 25k Puhunan Ngayon kumikita na ng 6-digits kada buwan
Ang Pusong Negosyo: Kwento ng Tagumpay ng Delfas Tungulan Sa Cebu City, may isang kainan na kahit alas-8 pa lang ng umaga ay dinarayo na ng mga tao. Madalas, tanghali pa lang ay ubos na ang kanilang paninda. Ang sikreto? Ang kainan ay nag-aalok ng espesyal na mga putaheng gawa sa laman loob ng baboy. Ang Delfas Tungulan ay kilala sa kanilang mga putaheng gawa sa balun-balunan at iba pang laman loob ng baboy. Sa kasalukuyan, ang kita ng kanilang tatlong branch ay umaabot na ng anim na digits kada buwan. Umaabot ng 300 kilos ng laman loob ang kanilang nauubos sa isang araw. Kaway-kaway sa mga mahihilig kumain ng laman loob ng baboy! Alam niyo ba kung anong bahagi ng baboy ang kanilang bestseller? Ito ay ang tumbong ng baboy, isang bahagi sa loob ng puwitan ng baboy. Huwag mandiri, dahil mabusisi ang kanilang proseso ng paglilinis at pagluluto. Bago lutuin ang laman loob, ito ay hinuhugasan ng apat na beses hanggang luminaw ang tubig. Isa-isang binabaliktad ang mga ito upang masiguradon