Posts

Showing posts with the label Land Titles

Mga Karapatan ng Agricultural Tenant sa Pilipinas

Image
  Sino ba ang Agricultural Tenant? Ang agricultural tenant ay isang taong personal na nagsasaka ng lupa na pinahintulutan ng may-ari. Siya ay nagbabayad ng upa batay sa kanyang ani. Mahalaga na tandaan na ang isang tao na naninirahan lamang sa lupa ngunit hindi nagsasaka ay hindi itinuturing na agricultural tenant. Mga Karapatan ng Agricultural Tenant Isa sa mga madalas itanong ay kung may bahagi ba ang agricultural tenant sa lupang sinasaka nila. Sa pangkalahatan, wala silang karapatan sa pagmamay-ari ng lupa maliban na lamang kung sila ay naging benepisyaryo ng land reform. Kung hindi sila benepisyaryo ng land reform, wala silang karapatan na magkaroon ng parte sa lupa. Security of Tenure Ang pangunahing karapatan ng agricultural tenant ay ang tinatawag na security of tenure. Ibig sabihin, hindi sila maaaring mapaalis sa lupang sinasaka nila nang walang sapat na legal na kadahilanan. Ang mga legal na dahilan para mapaalis ang tenant ay kinabibilangan ng hindi pagbabayad ng upa, pag-a