Serbisyo o Pakitang Tao? Bong Go Political Ad Walang Nagbago sa mga Pangako!
Sa bawat panahon ng eleksyon, hindi na bago sa atin ang makakita ng mga tradisyunal na patalastas ng pulitiko. Ang mga ito ay puno ng mga pangako at magagarbong presentasyon ng kanilang sarili bilang tagapagligtas ng masa. Kamakailan lamang, lumabas ang isang commercial ni Bong Go na naglalayong ipakita ang kanyang patuloy na serbisyo umano sa sambayanan. Gayunpaman, tulad ng marami pang iba, ang kanyang komersyal ay hindi nakaligtas sa mga mata ng kritiko. Walang Nagbabago sa Tungkulin "Mula noon hanggang ngayon, walang nagbabago sa tungkulin ko sa inyo. Ganuman kalayo, anumang oras, sisikaping kong marating kayo para mag-serbisyo. At para sa oras ng pagdadalamhati, makapag-hatid ng konting ngiti." Ang mga salitang ito mula sa komersyal ni Bong Go ay tila nakakaantig sa unang tingin. Ngunit, sa malalimang pagsusuri, makikita na ito'y mga pangakong madalas nang naririnig sa bawat eleksyon. Ang pagsasabi na walang nagbabago sa kanyang tungkulin ay maaaring magpahiwatig n...