Dear Nanay, utang ko sayo ang aking buhay
Mahal kong Nanay, Mula sa una kong paghinga, batid ko na, na utang ko sa iyo ang aking buhay. Kahit saan man ako makarating at anumang tagumpay o pagsubok ang aking harapin, ang pundasyon ng aking pagkatao ay nakaugat sa pagmamahal at mga aral na itinuro mo sa akin. Kung ako’y lumaki na may kabutihan, respeto, at malasakit sa kapwa, ito’y dahil ikaw ang naging unang guro ko—ikaw ang nagpakita sa akin ng tunay na kahulugan ng pagmamahal sa kapwa. Ang kabutihang ipinapakita ko sa iba, ang init ng aking pakikitungo, at ang grasya sa bawat hakbang ng aking buhay na aking ibinabahagi sa iba ay mga salamin ng pagmamahal na ibinuhos mo sa akin. Bagaman hindi ako nakatayo sa mga entablado ng Palarong Pambansa o World Olympics, at hindi man ako nag-uwi ng mga titulo bilang world champion sa boxing o billiards, itinuturing ko ang aking sarili na matagumpay dahil sa iyo. Lumaki akong malakas, masaya, at puno ng pag-asa—mga katangiang nagbigay-daan upang maging mabuting tao ako sa lipunan, hindi p...