imported na bigas Nire-repack at nilalagyan ng pabango para maibenta ng Mahal
Nahuli ng NBI ang isang warehouse sa Bocaue, Bulacan na nagre-repack ng murang imported na bigas, hinahaluan ito ng pabango at binibenta bilang premium rice sa mas mataas na presyo. Nadiskubre rin na may ilang taong nakaimbak na bigas, na posibleng delikado nang kainin, at may indikasyon ng hoarding. Ayon sa mga awtoridad, hinahalo ang iba’t ibang klase ng bigas bago ibenta bilang Class A rice, isang malinaw na panloloko sa mga mamimili. Itinanggi naman ng isang opisyal ng kumpanya ang iligal na gawain, ngunit patuloy ang imbestigasyon upang mapanagot ang responsable sa economic sabotage, profiteering, at adulteration.
Comments
Post a Comment