Dahil sa Tirada ng DDS Vloggers Napilitang PUMIRMA si Cong. Frasco Pabor sa Impeachment ni Sara Duterte
Cebu Congressman Duke Frasco, Binatikos Matapos Pumirma sa Impeachment Complaint Laban kay VP Sara Duterte
Frasco, Binatikos Matapos Pumirma sa Impeachment Complaint
Binatikos si Cebu Fifth District Congressman Duke Frasco matapos pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kabila ng matibay na koneksyon ng kanyang pamilya kay VP Sara, iginiit ni Frasco na malalim ang kanyang dahilan sa pagsuporta sa impeachment.
Koneksyon ng Pamilya Frasco kay VP Sara Duterte
Si Frasco ay hindi maikakailang may malapit na ugnayan kay VP Sara Duterte. Ang kanyang asawa, si Cristina Garcia Frasco, ay kasalukuyang kalihim ng Department of Tourism at dating tagapagsalita ni VP Sara noong 2022 elections. Dahil dito, naging malaking isyu ang desisyon ni Frasco na pumirma sa impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Frasco: ‘Ayaw Kong Malagay sa Alanganin ang Aking Distrito’
Ipinaliwanag ni Frasco na isa sa kanyang mga dahilan sa pagpirma sa impeachment complaint ay ang pangamba niyang mapag-iwanan ang kanyang distrito pagdating sa mga proyekto at programa ng pamahalaan. Aniya, hindi niya nais na mailagay sa alanganin ang mga proyekto sa Lungsod ng Liloan at sa buong Cebu Fifth District kung hindi siya makikisama sa mayorya ng 240 na mga kongresista sa Kamara.
“Ayaw ko na malagay sa peligro ang ating mga programa at proyekto sa Lungsod ng Liloan at Cebu Fifth District kung hindi ako makikisama sa karamihan,” paliwanag ni Frasco.
Frasco, Nasaktan sa Pagturing ng Kampo ni VP Sara
Aminado rin si Frasco na nasaktan siya sa umano'y hindi pagtulong ni VP Sara sa kanyang asawa noong ito ay binabatikos dahil sa kontrobersyal na Love the Philippines campaign. Bukod dito, ikinadismaya rin niya ang ginampanang papel ng ilang malalapit na online personalities ni VP Sara sa pagsisimula ng batikos laban kay Cristina Frasco.
Ayon kay Frasco, personal na lumapit si Cristina kay VP Sara upang pakiusapan itong pigilan ang patuloy na paninira ng ilang social media personalities laban sa kanilang pamilya. Subalit, hindi umano kayang patigilin ni VP Sara ang mga Social Media Personalities na kumukutya sa kanilang pamilya.
“Tinawagan ni Cristina si VP Sara at nakiusap kung maaari bang mahinto ang pang-aalipusta sa aming pamilya, pero tila hindi siya pinakinggan,” ani Frasco.
Pagbisita ni VP Sara sa Kalaban ng Pamilya Frasco
Dagdag pa sa hinanakit ng kampo ni Frasco ang biglaang pagbisita ni VP Sara sa mga Durano ng Cebu, na itinuturing na matinding katunggali ng mga Frasco sa pulitika. Ginawa ito ni VP Sara makalipas ang isang buwan mula nang hindi niya tinugunan ang pakiusap ni Cristina Frasco. Ayon kay Frasco, naulit pa ang ganitong kilos ni VP Sara noong Hulyo 2024 nang muling bumisita ito sa kanilang mga kalaban nang walang pasabi sa kanilang kampo, sa kabila ng pagiging magkaalyado nila noong 2022 elections.
Walang Permanenteng Kaalyado sa Pulitika
Sa kabila ng lahat, ipinakita ng nangyari sa pagitan ng pamilya Frasco at kampo ni VP Sara Duterte ang isang katotohanang matagal nang umiiral sa pulitika ng Pilipinas—walang permanenteng kaalyado, tanging interes lamang ang nananatili.
“Anuman ang dahilan ng pagpirma ni Frasco sa impeachment complaint, ito ay patunay na sa pulitika ng Pilipinas, walang pangmatagalang alyansa.
Comments
Post a Comment