US Senator Warning: China MUST STOP Harassing the Philippines!
Harassment ng China sa Pilipinas, Binatikos ni Marco Rubio
Ang nominee para sa susunod na U.S. Secretary of State, si U.S. Senator Marco Rubio, ay nagbigay ng mabibigat na pahayag laban sa China kaugnay ng mga aktibidad nito sa Pilipinas at Taiwan. Tinawag niyang "harassment" ang ginagawa ng China sa Pilipinas at hinimok itong itigil na ang panggugulo sa rehiyon.
Mga Pahayag ni Rubio sa Confirmation Hearing
Sa isang confirmation hearing sa U.S. Senate, binigyang-diin ni Rubio na ang People's Republic of China (PRC) ay isang "pinakamalakas at mapanganib" na kalaban ng Estados Unidos sa kasalukuyan. Aniya, "They lied about not militarizing and populating island chains in the South China Sea and the like." Ayon pa sa kanya, ang China ay gumagamit ng panlilinlang, pandaraya, at pagnanakaw upang makamit ang kasalukuyang status bilang isang global superpower, kadalasan sa kapinsalaan ng ibang mga bansa, kabilang ang kanilang sariling mamamayan.
Epekto ng Aksiyon ng China sa Rehiyon
Binatikos ni Rubio ang destabilizing actions ng China, partikular na ang ginagawa nito sa Taiwan at Pilipinas. Aniya, "They are forcing us to take counteractions because we have commitments to the Philippines and we have commitments to Taiwan that we intend to keep." Dagdag pa niya, ang mga hakbang ng China ay nagbubunsod ng atensyon at aksyon mula sa Estados Unidos na sana’y hindi na kinakailangan.
Pagpapadala ng Monster Ship sa Exclusive Economic Zone
Isa sa mga inihalimbawa ni Rubio ang pagpapadala ng China ng tinatawag na "monster ship" – ang China Coast Guard Vessel 5901 – sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Ayon kay Rubio, "There's this massive, I don't even know how to describe it, but this massive ship that the Chinese have built that's headed towards the Philippines and the Philippines feels threatened by it, rightfully so."
Kahapon, muling hinamon ng Philippine Coast Guard ang nasabing barko. Sa isang radio challenge, sinabi ng BRP Gabriela Silang:
"You are advised that you are currently sailing inside the Philippines’s exclusive economic zone approximately 60.1 nautical miles from the coastline west of Capones Point, Zambales, Philippines. You are directed to depart immediately and notify us of your intentions. Your illegal activity will be reported to higher authorities."
Tugon naman ng China Coast Guard Vessel 5901:
"This is China Coast Guard Vessel 5901. I’m performing no deportment duties on the jurisdictional orders of the People’s Republic of China. The so-called award for the South China Sea arbitration is illegal and invalid."
Nagbanta pa ito na dapat umalis ang mga barko ng Pilipinas sa lugar upang maiwasan ang tensyon.
Diplomatic Protests ng Pilipinas at China
Nagpadala ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa pananatili ng "monster ship" sa EEZ nito. Samantala, nagprotesta rin ang China at sinabing ang Pilipinas ang gumagawa ng mga hakbang na mapang-udyok. Hinimok nito ang Pilipinas na sumunod sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at ipagpatuloy ang dayalogo.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, hindi na bago ang ganitong mga pahayag mula sa China.
Comments
Post a Comment