Amerikanong Vlogger na dinukot sa Zamboanga, PATAY NA! - TINAPON sa DAGAT
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ramoncelio Sawan, binawian ng buhay ang American vlogger noong gabi ng pagdukot dahil sa tama ng bala sa katawan. Itinapon ang katawan ni Isman sa dagat habang nasa biyahe papuntang Basilan. Ipinagbigay-alam na nila ang insidente sa U.S. Embassy dahil walang direktang komunikasyon sa pamilya ni Isman maliban sa asawang nasa Zamboanga del Norte. Walo sa mga suspect sa pagdukot ay nakasuhan na, tatlo ang nasa kustodiya ng otoridad, at lima pa ang patuloy na hinahanap. Hindi pa rin natatagpuan ang katawan ni Isman sa kabila ng dalawang linggong paghahanap.
Comments
Post a Comment