Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang post ni Gerald Fajardo, na naglalaman ng mga bagong detalye tungkol sa umano'y alitan ng pamilya Yulo. Ang nasabing post ay naglalaman ng mga screenshot at impormasyon tungkol sa pinagmulan ng tensyon sa loob ng pamilya.
Ayon kay Gerald Fajardo, nagsimula umano ang away sa pagitan ng pamilya Yulo dahil kay Chloe San Jose. Ibinunyag ni Fajardo na si San Jose ang nag-udyok ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya matapos itong bastusin ang ina ni Carlos Yulo, na two-time gold Olympic medalist. Ang insidenteng ito, ayon kay Fajardo, ang nagbunsod kay Carlos Yulo na suwayin at bastusin ang kanyang sariling magulang.
Kasama sa post ni Fajardo ang mga screenshot na nagpapakita ng umano'y pambu-bully ni Chloe San Jose sa ina ni Carlos Yulo. Ito ang tila nagpainit ng diskusyon, lalo na't inaabangan ng publiko ang mga ebidensyang inilahad. Ang post ay makikita sa ibaba, at hinihikayat ang mga tao na magbigay ng kanilang sariling opinyon ukol sa isyung ito.
Ang isyung ito ay nananatiling paksa ng malalimang talakayan sa online community, habang ang publiko ay patuloy na naghihintay ng mga karagdagang impormasyon mula sa magkabilang panig.
Sa usaping interview,
Una ni Angelica - napahiya sya diba?
Bakit kaya? Diba dahil kay CHLOE...
Pangalawa si CALOY - napahiya din sya diba? Diba dahil kay CHLOE...
MAGINA nga kayo, kase parehas kayong mahihina, parehas na nabahidan ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE.
Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba... Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.
Bakit ka nagbenta ng MACBOOK, na worth 50k, kay caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman alam gamitin. bakit ka pala nagapply kay maam cynthia? - well in fact di ka naman nakapasa. Sumahin mo yung mga subscriber's na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY ...
Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw.
Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy. Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na malaking sweldo ang nanay at tatay. Kaya wag mong i down ang pamilya nya.
After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo...
Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO... Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.
Diba, after kausapin si caloy... Para sa paghahanda sa Olympics .
Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY ...
Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo.
Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo?
Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka?
Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat. Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all
around payan!!!
At isa pa ha,...
Yung nakilala mo si caloy sabi mo wala kang pamilya, hindi ka in good terms sa mama mo at papa mo. Pero ano?
Diba gumawa ng paraan si caloy para mabuo ang pamilya mo.
Sinabi mo sa isang comment mo na sinabihan ng nanay nya si Caloy ng “gagapang ka sa lupa” pero bakit di mo siniwalat ang dahilan kung bakit nasabi ng ina nya yun? Hindi ba dahil sinigaw sigawan nya ang nanay nya ng magnanakaw at sinungaling kasi sinulsulan mo sya na magnanakaw ang ina nya? Pinakikita ng ina nya yung mga resibo na pinaggamitan ng pera na para din naman sa kanya pero hindi nya man lang nasilip ito kasi naka tatak na sa utak nya na magnanakaw ang ina nya.
At yung sinasabi mong nakapagpatawad na kayo? Bakit? Kasali ka ba sa pamilya? Pera mo ba yun?
Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan? Kasi yung sinasabi mong gc magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc.
+ikaw CHLOE.. Nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng caloy at sila ang nawalan...
Goal, mo parin talagang, punuin nang galit, ang puso ni caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?
Well... Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban, tandaan mo. Marami kapang laban na kakaharapin. Hindi laging nasayo ang ilaw, hindi laging nakay caloy ang liwanag, hindi din laging nakaayon sa inyo ang lahat...
Comments
Post a Comment