Sara Duterte manonood ng concert ni Taylor Swift sa Germany ?
Ang Timing ng Pag-alis ni Sarah Duterte patungong Germany:
Sa lahat ng ating mga kaibigan, mga kababayan, at mga kamab, ako po ay magbibigay lamang ng aking opinion at pananaw tungkol sa timing ng pagpunta ni Sara Duterte sa Germany. Sinasabi nga niya na nalulungkot siya sa timing ng kalamidad dito sa bansa sa kanyang pag-alis.
Pagkakataon o Coincidence?
Ang kanyang pag-alis ay tsumempo naman dito sa kalamidad sa ating bansa. Sinasabi niyang ito'y isang coincidence. Ngunit nagulat din ako nang malaman ko na meron din palang coincidence na may concert si Taylor Swift sa Germany.
Isang Maaaring Pagkakataon
Hindi ko sinasabi na yan ang pupuntahan ni Sara Duterte. Ngunit sinabi niyang coincidence na may bagyo sa Pilipinas, at akin namang sinasabi na coincidence din na may concert si Taylor Swift sa Germany. Hindi tuloy natin maiwasang mag-isip at maghihihinakit bilang tax payers.
Ang Obligasyon ng Isang Pangalawang Pangulo
Isa tayo sa nagpapasahod kay Sara Duterte, nag-aambagan tayo ng buwis para meron siyang sahurin. Higit sa lahat, tinanggap niya ang trabaho bilang pangalawang pangulo. Ang posisyon na ito ay hindi basta-basta; ito ay kontrata sa mamamayang Pilipino na kinakailangang nandito siya lalo na sa panahong na kinakailangan siya ng bayan. Dapat maging professional siya, dahil kung nandidiri na sya kay Bong Bong Marcos ay dapat wag niya idamay ang trabaho, at iparamdam niya sa mga Pilipino na maaasahan sya lalo na sa ganitong pagkakataon at hindi lang tuwing eleksiyon.
Ang Kasaysayan ng Paghahanap ng Trabaho
Kung matatandaan po ninyo, noong panahon ni Leni Robredo, nakita natin kung paano siya binabastos ng mga supporters ng DDS at Marcos supporters. Ang noo'y pangalawang pangulo Leni Robredo ay hinahanapan nila ng trabaho kahit napakaliit ng kanyang pondo. Kumpara kay Sara Duterte na tumanggap ng daang milyon o kayaý bilyong pisong pondo.
Pondo at Kontrobersiya
Si Sara Duterte ay may pondo mula sa confidential funds, DEPED, at NTF ELCAC. Ngunit na-discredit ito dahil hindi pwedeng mas boss pa siya kay Bongbong Marcos, ang presidente. Kaya sila siguro nagkalamat. Sa aking opinion at pananaw lamang, at ito ang aking pinagtataka.
Pagsusuri ng Coincidence
Kung sinasabi ni Sara Duterte na coincidence o timing ang kanyang pag-alis at kalamidad sa Pilipinas, sa akin naman, what a coincidence din na may concert si Taylor Swift sa Germany.
Yan po ang aking opinion at pananaw lamang. Bahala na po ang iba sa inyo na magbigay rin ng inyong kuro-kuro tungkol dito. Total tayo naman ay malayang bansa.
Comments
Post a Comment