Kris Aquino Posible ng Makauwi ng Pilipinas Ngayong Disyembre
Ang pagbabalik sa Pilipinas, isa sa mga pinakakinatatakutan ni Kris ay ang MRI test na may contrast dye. Bagaman sinabi sa kanya na kakayanin niya ito, may takot pa rin siya dahil ang huling beses na ginawa ito ay noong 2019. Ang contrast dye ay nagiging sanhi ng allergic reactions sa ilan, at alam ni Kris na nag-e-evolve ang allergies. Sa kabila nito, determinado siya na makumpleto ang mga kinakailangang tests upang malaman kung maaari na siyang bumalik sa Pilipinas para sa kanyang paggamot.
Ayon kay Kris, umaasa siyang makabalik sa Pilipinas bago mag-Pasko, ngunit kailangan niya munang matapos ang lahat ng mga pagsusuri. May tatlong ospital sa Pilipinas na maaaring mag-import ng mga gamot na kailangan niya, ngunit ang mga gamot na ito ay dapat ibigay ng isang rheumatoid specialist, anesthesiologist, o surgeon. Kung magtutuloy ang kanyang pagbabalik, magiging mahaba pa ang proseso ng kanyang paggamot, na maaaring umabot ng isa at kalahati hanggang dalawang taon.
Kung sakaling makabalik na si Kris, kailangan niyang patuloy na inumin ang kanyang mga gamot upang mapanatili ang kanyang kalusugan. Ayon pa kay Kris na dapat hindi manggaling sa ibang lugar ang sino mang nais bumisita bago pumunta sa kanya dahil wala siyang sapat na resistensya laban sa mga sakit. Kailangan pa rin niyang magsuot ng mask kapag lumalabas upang maiwasan ang pagkahawa.
Inamin ni Kris na naapektuhan din ng kanyang kalagayan ang kanyang emosyon. Nang umalis ang anak na si Bimby para sa third death anniversary ng kapatid na si dating Presidente Noynoy Aquino, hindi kinaya ni Kris na magpaalam nang hindi umiiyak. Sa kanyang kalagayan, naging mahirap para sa kanya na magpaalam sa kanyang anak, ngunit kinailangan niya itong gawin dahil may mga importanteng interviews si Bimby sa mga top-ranked schools na pinili niyang pasukan niya.
Nais din ni Kris na magkaroon ng normal na teenage life si Bimby, hindi tulad ng kanyang naranasan. Naging Presidente kasi ang kanyang ina noong siya ay 15 taong gulang pa lamang, kaya't hindi niya naranasan ang maging normal na kabataan. Sinabi rin ni Kris na nais niyang bigyan ng kalayaan si Bimby na makasama ang kanyang mga kaibigan at maranasan ang mga normal na gawain ng isang teenager.
Sa kabila ng kanyang kalagayan, sinisikap ni Kris na mapanatiling positibo ang kanyang pananaw. Patuloy siyang nagpapasalamat sa mga nagdarasal para sa kanyang paggaling at umaasa siyang makabalik sa Pilipinas upang muling makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Comments
Post a Comment