Sinagot ni Chavit Singson kung bakit walang Plaka ang kanyang Multi Milyong Armored Car

 

Dalawang driver ni Chavit Singson, tiniketan nang mahuling dumaan sa EDSA bus lane

Pinagsisita ng mga tauhan ng MMDA ang mga sasakyang bawal dumaan sa EDSA bus lane. Kabilang na ang isang sasakyan at kakonvoy nito. 

Pagbukas ang passenger door bumungad si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson. Tinikitan ang dalawang driver ng konvoy ni Singson, ng tig 5,000 pesos ang babayarang multa. 

Humingi naman ng paumanin si Singson.

"I'm very sorry at hindi sinasadya dahil nag-overtake dahil yung driver. Hindi naman sa bus lane mismo, nag-overtake lang sa... Hindi nakasara kasi bukas, nag-overtake. Anyway, hindi dapat tularan."- pahayag ni Chavit

Bilang pagkilala sa tamang pagganap sa kanilang tungkulin, magbibigay ng pabuya si dating Governor Chavit Singson sa mga MMDA enforcer na nanghuli sa kanila dahil sa paggamit sa EDSA bus lane. 

Ipinaliwanag din ni Singson kung bakit walang plaka ang sasakyan.

"Walang plaka yun, bagong gawa, bulletproof cars, bagong-bago, kaya wala pang plaka. May mga papeles na pero hindi pa na-rehistro dahil tinitest pa." - ani Chavit

Base sa patakaran ng Department of Transportation, bukod sa mga bus na nag-ooperate sa EDSA carousel, limang pinakamatakas na opisyal ng gobyerno lang ang pinapayagang dumaan sa busway.

Pwede rin dumaan ang mga re-responding emergency vehicles gaya ng ambulansya, truck ng bombero at Philippine National Police. Ang mga lalabag, pagmamultahin ng P5,000 hanggang P30,000, depende kung pang-ilang offense na, pwede rin ma-suspende o ma-revoke ang driver's license. 

Comments

Popular posts from this blog

Chloe San Jose's Biological Mother Finally Breaks Her Silence!

Raffy Tulfo in Action Hotline Official Office Address | The Best possible ways to Reach Raffy Tulfo in Action Program of TV5

PNP Hotline | PNP Contact Number | PNP Helpdesk | PNP Emergency Numbers | Philippine National Police Contact Numbers