Nakaka bilib ang Gay Parents ni Mark Herras kaya pala siya Family Man

Mark Herras, naghihirap na nga ba ngayon? | Ogie Diaz

Hindi naman ako lumaki sa talagang bu-ong pamilya like may nanay, may tatay. Alam naman yun ng mga tao na I was raised by gay parents. Pero dun kasi naramdaman ko na buo yung pamilya ko.

Na kahit hindi ko kasama lumaki yung nanay ko, hindi ko nakasama lumaki yung totoong tatay ko. But with my gay parents, si Daddy Jun and si Papa Pip, sobra-sobra pa sa magulang yung nakuha ko, yung experience ko. Binigyan nila ako ng magandang buhay.

Jusko grade 3 pa lang yata, may yaya na ako. Siguro kung ano ako ngayon, kung pa'no ako makisama sa mga tao, kung pa'no ako, yung respeto ko sa tao, like po, opo, hindi nawawala sa akin, it's because of them. 

Kaya alam ko, sabi sa mga kabataan ngayon na ginagawang dahilan na broken family sila, kaya sila nag-rebelde, di ba? Huwag niyong gawing reason yung sitwasyon ng pamilya niyo.

Kasi whatever happens, at whatever the situation is, laging dun sa tao, yung magiging result ng kung pa'no ka sa buhay mo eh. Kung mag-rebelde ka, it's not because broken family kayo.Dahil yun yung gusto mo.

Choice mo yan eh. Lahat ng kilos, lahat ng mangyayari sa buhay mo, lahat ng desisyon mo sa buhay, it's not because of your family, it's not because of other people. It's because of your own choice. Choice mo yan eh. Desisyon mo yan na ganyan yung mangyayari sa buhay mo. 

Hanggang sa namatay na sila, gano'n, minsan may mga oras na parang tulala mag-breakdown. iiyak ako, parang nasabi ko na maraming salamat po for taking care of me. Maraming maraming salamat po sa buhay na binigay nyo sa akin.

Kung ibabalik man yung buhay ko before, wala kong ibang gusto maging magulang kundi sila. And I'm so thankful for that. Kasi doon naramdaman ko yung security. Naramdaman ko na pamilya kami na walang pwedeng pumasok dito or makigulo. Kaya nung tumanda na sila, may mom, may dad, may tito, lahat sila, kasama ko sa bahay. Dun kami lahat sa bahay, magkakasama kami.

Yung experience ko na yun with the family, eh yun yung ina-apply ko with my family. Parang kantiin nyo na ako, huwag lang yung pamilya ko. Kasi kahit ano mangyari, gagawin ko lahat para sa pamilya ko, bibigay ko lahat para sa pamilya ko.

Yan ang bahagi ng pahayag ni Mark Herras sa isang one on one interview niya kay Ogie Diaz

Comments

Popular posts from this blog

Chloe San Jose's Biological Mother Finally Breaks Her Silence!

Raffy Tulfo in Action Hotline Official Office Address | The Best possible ways to Reach Raffy Tulfo in Action Program of TV5

PNP Hotline | PNP Contact Number | PNP Helpdesk | PNP Emergency Numbers | Philippine National Police Contact Numbers