Maaari ding Makulong ang sino mang Magkakanlong kay Pastor Apollo Quibuloy

 

PNP, nagbabala sa mga magkakanlong kay Quiboloy na maaari silang maharap sa kaso

Nagbabala ang PNP sa sino mang magkakanlong kay Pastor Apollo Quiboloy na itinuturing ng pugante dahil sa mga kasong kinakaharap niya. Pwede na rin daw siyang isa-ilalim sa citizen's arrest. 

Sa isang audio clip, iginiit ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na nagtatago lang siya para protektahan ang sarili at hindi dahil meron siyang kasalanan.

Sabay-bangit din ang kondisyon para siya'y lumitaw. 

"Bigyan ninyo ko ng garantiya na hindi mangingalam ang mga puti sa kasong ito sa Pilipinas. Hindi mangingalam ang FBI, ang CIA, ang U.S. Embassy." - ani Quibuloy

"Ako po ay lilitaw at haharapin ko ang lahat ng kasong iyan kahit saan ninyo dalhin dito sa Pilipinas. Ako po, pag nahuli ninyo, hindi ako magpapahuli ng buhay. Barilin na lang ninyo ako, maliban kung ibigay ninyo ang garantiyang hinihiling ko sa inyo." - dagdag pa ni Quibuloy

Tugon naman ni Pangulong Bongbong Marcos. 

"It seems to me a little bit tail wagging the dog, ang tawag. Siyang magbigay ng kondisyon sa gobyerno dun sa kaso niya, akusado siya sa warrant of arrest. So, I mean, we will exercise all the compassion to Pastor Quibuloy." - pahayag ni Marcos

Naharap si Quibuloy sa mga kasong child abuse and sexual abuse base sa inilabas na arrest warrant ng isang korte sa Davao. Nakahain din sa korte sa Pasig, ang kasong qualified trafficking na ayon sa DOJ ay non-bailable.

Wanted din si Quibuloy sa Amerika dahil sa mga patong-patong na kaso gaya ng sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling. 

"To Pastor Quibuloy, we've known him for a very long time. Ang mapapangako ko, all the proceedings will be fair. Now, as to the involvement of the United States, malayo pa yan eh. That's going to take years. So, I don't think that's something he needs to worry about quite frankly." - dagdag pahayag ni BBM

Sa isang statement, sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin-Temulia na hindi maaring magpataw ng anumang kondisyon si Quibuloy para sa kanyang pagsuko. Ang dapat daw na sinusunod ay ang nakasaad sa batas na umiiral para sa lahat. Hinikayat ni Remulla si Quibuloy na harapin na lang ang mga kaso laban sa kanya.

Tiniyak din ni Remulla ang kaligtasan ni Quibuloy. Binatikos naman ni Senadora Risa Ontiveros ang audio message ni Quibuloy. 

"Pastor Quibuloy, lumabas ka na sa lungga mo. Tutal, nagpapainterview ka naman sa mga vlogger. Magpainterview ka na rin sa amin sa Senado. Wala kang katiting na ebidensya laban sa aming mga matatapang na witnesses at wala kang karapatan siraan ang Senado at ang mandato nito." - ayon kay Senadora Risa Hontiveros

Ang PNP, sinabing pinag-aaralan na ng Firearms and Explosives Division na suspindihin o i-revoke ang lisensya ni Quibuloy na nagmamayari ng labinsyam na armas. Pero dahil itinuturing ng pugante si Quibuloy, maaari na raw siyang aresohin kahit ng isang sibilyan. Wala raw special treatment sa pastor at patuloy ang man hunt operation para maisilbi ang warant ng Davao RTC.

Kung isang sibilyan po ay makikita po ang isang tao na wanted po ay pupwede po itong gamitin para siya po ay arestuhin. Tapos ang sino man pong individual na magkakanlong sa isang taong alam po niya na ito po ay wanted at pinagahanap po ng batas ay maaari po siyang maharap sa kaso obstruction of justice po. - pahayag ni PNP Spokesperson PCOL. Jean Fajardo

Comments

Popular posts from this blog

Chloe San Jose's Biological Mother Finally Breaks Her Silence!

Raffy Tulfo in Action Hotline Official Office Address | The Best possible ways to Reach Raffy Tulfo in Action Program of TV5

PNP Hotline | PNP Contact Number | PNP Helpdesk | PNP Emergency Numbers | Philippine National Police Contact Numbers