Noong 2013 Nabawi ng Pilipinas mula Swiss Bank ang isa sa nakaw na yaman ni Marcos G.R. No. 152154 Supreme Court Decision
G.R. No. 152154 Supreme Court Decision against Marcos ill Gotten Wealth Swiss Account July 15 2003
Mag ingat tayo sa mga Marcos Apologist dahil nililito nila ang taong bayan. Gusto kasi nilang makita yung word na "Guilty beyond Resonable Doubt" sa hatol ng Supreme Court. Eh Civil case ito dahil yung Original na nakapangalan sa pagnanakaw ay si Ferdinand Marcos Sr. na patay na. Kaya obviously hindi na siya mapapanagot sa korte dahil patay na siya at hindi na siya makakasuhan ng Criminal Charges dahil nga patay na siya. Kaya yan ang palusot nila na hindi daw guilty ang mga Marcos sa pagnanakaw.
Daan-daang mga kaso ang isinampa sa mga Marcos at dahil sa dami nilang pambayad sa abogado ay inabot na ng katandaan si Imelda sa Delaying tactics nila. Pero hetong isang ito na nasa ibaba ang classic example na pinaglalaban ng mga Marcos na makuha ang pera ng bayan na ibinulsa ni Marcos Sr. sa account nila ng asawa niyang si Imelda sa Switzerland.
Again, sa tingin ng batas ay si Ferdinand Marcos Sr. ang tunay na dapat mapanagot pero dahil patay na siya ay pinagtatalunan nalang sa korte kung kanino dapat mapunta ang yaman na napatunayan ng Korte Suprema na nakulimbat ni Ferdinand Marcos Sr. mula sa kaban ng mga Pilipino.
At sa kasong ito ay pinaboran ng Korte Suprema ang Bayan dahil inutos ng Korte Suprema na ibalik sa kaban ng Bayan ang daan-daang Milyong Dolyar na tinago ni Ferdinand Marcos Sr. sa account nila ng asawa niyang si Imleda sa Switzerland. Dahil na rin ito sa hatol ng Swiss Federal Supreme Court na ibalik sa Gobyerno ng Pilipinas nag pera dahil ito ay nakuha ng Marcos mula sa karimarimarim na pamamaraan mula sa kaban ng mga Pilipino.
Nakita kasi ng Korte ng Switzerland na ginagamit lang ang bansa nila ni Marcos para pagtaguan ng ilegal na Yaman at alam nila na sa huli ay hindi din naman makikinabang ang Switzerland dito. In fact, mababahiran o mababansagan pa ang bansa nila na taguan ng pera ng mga magnanakaw. Kaya't dahil sa desisyon ng Korte Suprema ng Switzerland ay napatunayan lamang nila na hindi nagpapagamit ang bansa nila sa mga magnanakaw.
Basahin at unawain naman ninyo ang hatol ng Korte Suprema ng Pilipinas sa pinabalik na pera ng Switzerland sa kaban ng mga Pilipino. Isa lamang po ito sa patunay na pinagnakawan tayo ni Marcos Sr. na minana at tinatamasa ng mga anak niya ang pera na yun. Patunay na riyan ang pakikipaglaban nila sa mga kaso upang hindi maibalik sa kaban ng bayan ang nakulimbat ng kanilang Tayay na si Ferdinand Marcos Sr.
Madami pang kaso na nakabinbin at marami na ding nabawi sa kanila ngunit kulang pa iyon dahil pinaglalabanan padin sa korte hanggang ngayon. Maging si Imelda Marcos ay nahatulan na ng Guilty ng Sandigan Bayan na malamang ay aabutan nalang ng takip silim ng kanyang buhay at hindi na niya mahihimas ang rehas sa tindi ng delaying tactics ng kanilang mga abogado.
Kaya mga kababayan sana ay huwag kayong magpapalinlang sa mga propagandista ng Marcos.
Comments
Post a Comment