Ano ang Nangyari sa kaso ng mga Ninakaw ng Pamilya Marcos kapalit ng Pag TORTURE ng mga Pilipino?
Habang ang mga mamamayang Pilipino ay pinahihirapan o tinu-torture at ikinulong, ang mga Marcos ay gumagastos talaga nang walang pakundangan at maluho. Kaya't nakaipon sila ng dose-dosenang mga luxury property sa buong Pilipinas at sa buong mundo.
Pagkatapos noong 1986, nagpasya si Ferdinand Marcos na magpatawag ng halalan at sa lahat ng mga naitalang aspeto, batid ng mga Pilipino noong mga panahong iyon na inayos na ni Marcos ang pandaraya sa halalan na iyon. At nang maging malinaw sa mga Pinoy ang tagpong iyon ay sumambulat na ang malalaking protesta sa buong bansa, kung saan milyun-milyong Pilipino ang bumaha sa mga lansangan, na hinihiling na bumaba si Marcos sa puwesto at sa huli sa kasong iyon, sa wakas ay sinabi ng US na tama na, sobra na, at hinikayat na rin si Marcos na bumaba na sa puwesto.
Pinamunuan ni Ferdinand Marcos ang Pilipinas sa loob ng 21 taon matapos niyang umarangkadang manalo sa pagkapangulo. Noong 1965, siya ay isang napaka-karismatikong pigura. Medyo maayos pa ang kanyang pamamalakad. Siya ay may isang magandang asawa na napaka-elegante at may napakarilag na boses sa pagkanta, at siya ay nagpapasaya sa mga tao sa kanyang kampanya. at mga rally.
Labis na nababahala ang rehimeng Marcos sa salungat na opinyon sa kanyang administrasyon. Kaya ang mga pwersang Militar ay binigyang mandato upang arestuhin ang mga sumasalungat, pinapahirapan sila para sa impormasyon. Kadalasan ang biktima ay bigla na lamang pinapatay at itinatapon kung saan-saan.
Idineklara ni Marcos ang batas militar noong 1972 at pinasarado ang mga pahayagan, ikinulong ang mga kalaban sa pulitika at ginawang rubber stamp ang kongreso o sunod-sunuran sa kanya.
Ngunit sa paglipas ng ilang dekada, ano na nga ba ang nangyari sa mga kaso ng pagnanakaw at pang-aabuso ng pamilya Marcos sa mga Pilipino? Nasaan na ang mga ninakaw nila at ano na ang nangyari?
Panoorin niyo ang ulat ng International media sa ibaba upang hindi niyo masabing bias ang panulat na ito.
Comments
Post a Comment