Ang UNANG BATAS ni LENI ROBREDO bilang KONGRESISTA ay IPAKITA SA TAONG BAYAN ANG PAGAMIT NG BUWIS NG WALANG ANO MANG CHECHE BURECHE
Hulyo 2013 - Inihain ni Camarines Sur Rep. Maria Leonor "Leni" Robredo ang kanyang unang panukalang batas sa House of Representatives, na naglalayong ganap na ibunyag ang mga transaksyon ng lahat ng halal na opisyal.
“Ang pondo ay ang pinaghirapang pera ng mga tao na dapat ay ginagastos nang makatarungan at para lamang sa kabutiha ng pangkalahatan,” ani Robredo, ang biyuda ng yumaong former DILG Secretary Jesse Robredo
Sinabi ni Robredo, na isang abogada, na ang panukalang batas ay kasunod ng pangarap ng kanyang asawa na magbigay ng impormasyon kung paano at saan ginagastos ang mga buwis na inilalaan upang mapakinabangan dapat ng publiko.
Ang Full Disclosure Bill o HB 19 ay naglalayong obligahin ang lahat ng ahensya ng gobyerno at ang kanilang mga sub-unit at mga proyekto na ipakita sa mga Pilipino ang kanilang mga transaksyon sa pagbabadyet at pananalapi "na hindi na nangangailangan ng anumang request o requirements upang madaling makita ng publiko."
"Ito ay magpapahintulot sa mga tao na ma-access ang mga datus anumang oras nang walang anumang proseso pang dadaanan partikular sa teknikalidad at burukrasya," sabi ng bagong halal na mambabatas Leonor Gerona Robredo.
Nilalayon din ng panukalang batas na maging available ano mang oras ang mga impormasyon sa "kung papaano pinamamahalaan, ibinabahagi at ginagamit ang mga pondo ng gobyerno," ayon sa nakabinbing panukalang batas ni Robredo.
That is great!
ReplyDelete