Mismong kalugar ng Pamilya Marcos sa Batac ilocos ayaw na silang iboto at nananawagan din sa Lahat!
Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagpakilalang tubong Batac Ilocos Norte. Matapang ang naging pahayag ng naturang netizen ukol sa paniniwala ng mga tao sa imahe ng mga Marcos partikular na ang mismong patriyarka nilang si Ferdinand Edralin Marcos.
Ayon sa kanya ay tila pinamamana na lamang ng mga matatandang residente ng Batac ang pagiging loyalista sa mga sumusunod nilang henerasyon. Ngunit hindi naman umano alintana ng mga ito ang tunay na kalagayan ng kanilang pamumuhay.
Pinuna ng netizen na magpasa hanggang ngayon umano ay iniigib padin ang tubig sa Balon gayong naturingan umanong ciudad ang Batac. Ni wala umano itong Mall at iba pang malalaking kumpanya na magbibigay sana ng trabaho sa mga residente doon.
At ang katotohanan ayon pa sa netizen ay kalimitang naghahanap ng trabaho abroad o nag-aapply maging Domestic Helper ang mga Nanay doon para lang makapag aral ang mga anak. Proud din ang netizen na ibida na ang kanya umanong sariling ina ay pinag-aral siya at sinuportahan mula umano sa pagsisikap nito bilang Domestic Helper.
Ang naturang Netizen ay nag Abroad din upang makahanap ng greener Pasteur, at nananawagan siya ngayon sa kanyang mga kababayan na magising na dahil windmill lamang umano ang maipagmamalaki ng kanilang bayan sa kabila ng dekadang paghahari ng pamilya Marcos sa Batac at higit dalawampung taon sa buong bansa ngunit wala din namang kaunlaran o progreso na naibigay sa kanilang mga kapwa niya ilocano.
Narito ang orihinal na Post ng naturang Netizen:
Sa mga kamag anak, kapitbahay at mga kaibigan ko diyan sa Batac Ilocos Norte. Bayan kung saan lumaki at nagbinata si FEM.
Kung hindi niyo pa ako binablock then I am assuming na you’re still willing to listen. Sa mga nakakatanda po sa akin at sa mga kaedad ko po diyan na mga Edad 19 este 30, ok fine 40 na kung 40. Hahaha! 🤪
See. Tantanan na po natin ang pag-sasabi na magaling ang mga Marcos. Fyi lang po. 20 Years po naging Presidente si FEM and yet noong mapatalsik siya sa puwesto nahahanay po ang Pilipinas sa isa sa mga mahihirap na Bansa.
Eh kung maaunlad po tayo noon eh bakit sa lugar natin sa Batac eh andaming nag-aabroad? Eh kasi wala pong sapat na trabaho sa Bayan natin. Pati yung mga nag-tapos ng Kolehiyo sa atin eh napipilitang mag-DH kasi kung i-practice po nila tinapos nila whether sa Ilocos o sa Manila eh mahirap makipag-kumpetensiya at mababa pa ang suweldo. Fyi lang po sukdulan hanggang langit ang respeto ko sa mga DH dahil binuhay at pinagtapos kami lahat sa College ng aking Nanay sa pag-DDH. Pero siyempre, kung sana eh maunlad ang Batac or ang buong Pilipinas eh di ba sana hindi niya na kinailangan mag-abroad, at sana eh masaya lang kami nabuhay magkakasama. I miss you Nana. Sana eh good vibes lang kayo ni Tata diyan sa heaven. 😘
O eto pa. Kung maunlad ang Pilipinas at sa Batac eh bakit lumaki tayo at nagka-isip na naghahakot ng tubig sa Balon at sa mga Poso sa bukid? Considering na sa mga panahon na yun eh halos may maayos na patubig sa mga Kabahayan sa ibang Lugar sa Pilipinas. At ang isang nakaka-disappoint sa akin kaya hindi ako bilib sa mga Pulitiko diyan noon at ngayon eh along the Nationaly Highway tayo tapos we are only 6KM away from Batac City. Bumalik ako diyan ng late 90’s and Mid 20’s pero nakikita ko parin ang mga Tatay at Nanay diyan sa atin ganon parin ang sistema sa paghahakot ng Tubig. Whether we can’t afford magpakabit or ayaw lang ng mga Tao magpakabit eh that’s irrelevant. I still consider na failure yan ng mga Pulitko noon at ngayon.
Eto pa. Aware ba kayo na hanggang sa ngayon eh napapag-iwanan parin ang Ilocos Norte? Nga pala may SM na ba diyan sa Laoag or sa San Nicolas? Meron na bang mga bagong Manufacturing company or mga BPOs diyan sa Ilocos Norte? Aside sa lintik na Wind Mill nayan. Ano-ano pa ba puwede nating ipagmalaki diyan?
See. Huwag na natin i-compare ang estado ng Ilocos Norte sa Cebu, IloIlo at Davao kasi para din silang Metro Manila. Let’s just compare Ilocos Norte sa mga Probinsiya gaya ng Tarlac, Zambales, Pampanga, Mindoro, Dumaguete, Laguna, Cavite, Camarines Sur at sa marami pang Lugar na napuntahan ko. God knows sobrang napapag-iwanan pa rin ang Ilocos Norte pagdating sa pagnenegosyo, trabaho at turismo.
I will never agree at hindi po ako papayag na sabihin na napapag-iwanan ang Ilocos Norte at mas maunlad ang ibang mga Bayan dahil mas magagaling at matatalino ang mga Bisaya, mga Bicolano, mga Tagalog kaysa sa ating mga Ilokano. Ang tanging dahilan lamang kaya tayo napapag-iwanan ay dahil sa kasuwapangan at incompetence ng mga Marcos at mga dinastiya diyan sa Ilocos Norte.
Sa mga Ilokano na mga magulang, mga Lola at mga Lolo na sumuporta at patuloy na sumusoporta parin ngayon sa mga Marcos. Parang awa niyo na! Magkaroon kayo ng self-reflection. Hindi porke’t nakaka-feel kayo ng kaginhawaan ngayon dahil sa mga kamag-anak niyo na nasa abroad eh feeling niyo ang unlad-unlad na ng Pilipinas. Huwag niyo naman po ipamana sa inyong mga Anak at mga Apo ang pagiging Loyalista. Susmi!
••• Update •••
Hey! I just read some comments doon sa mga shared post, saying na hindi daw ako totoong Ilokano. At hindi raw totoo ang mga sinasabi ko. I just added my censored Driver’s License and Passport para ipakita sa inyo na ako ay from Batac Ilocos Norte.
At kung sinasabi niyo na puro kasinungalingan ang sinasabi ko then why don’t you go there and check. We have a family house there I know what we have and what we don’t have. Susmi! 😄
•••
#KayLeniTayo2022
#LabanLeni2022
#LeniKiko2022
#Kakampinks
Real talk. Embarrassing kayat na erase. Gising mga Ilokano. Iwaksi na ang pinamanang pagiging Marcos LOYALISTA ng angkan at ninuno nyo.
ReplyDeleteI am for Leni-Kiko team!
ReplyDeleteTutuong sinasabi ni brod swapang at enconpitent talaga ang mga marcos nakita nyo na ponamama pa ng mga matatanda sa mga anak apo ang pag ka loyalist daw susmi .tigilan na mata na sobra na wag ng pabalikin c bbm
ReplyDelete